K-12 PROGRAM NAIS REPASUHIN NI PBBM – VP SARA

IPINAG-UTOS ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagrerepaso at pagrerebisa sa implementasyon ng K to 12 program.

Sinabi ni Vice President-elect at incoming Education Secretary Sara Duterte sa isang panayam sa Davao City, na ang bagay na ito ay kailangang talakaying mabuti.

“That is something na kailangan pag-usapan, na it cannot be decided overnight… but initially it is something na napag-usapan din namin ni President Marcos and he already give instructions with regard to the review of the implementation of K-12 program of the Department of Education,” ayon kay VP Sara.

Sinabi ni VP Sara na titingnan niya ang tatlong usapin bilang hepe ng Edukasyon kabilang ang epekto ng pandemic sa mga mag-aaral, full implementation ng face-to-face classes at ang masusing talakayan ukol sa K to 12 program.

May ilang Pilipino ang nagpahayag ng kanilang hangarin para sa direksyon ni VP Sara bilang susunod na Kalihim ng DepEd.

May ilang nagsabi na ang K to 12 program ay dapat nang itigil.

Sinabi ni VP Sara na handa siyang magdaos ng dayalogo at konsultasyon sa grupo ng mga guro at magulang upang pag-usapan ang education system sa bansa.

Hinggil naman sa umento sa sahod ng mga guro, sinabi ni VP Sara na ipagpapatuloy niya ang programa ng amang si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa kapakanan ng mga teaching personnel.

“Actually the Duterte administration did something about that so we will dovetail from what the Duterte administration did for the welfare and benefits of teachers,” ani VP Sara. (CHRISTIAN DALE)

83

Related posts

Leave a Comment