Kahit fully vaccinated CLOSE CONTACT NG MAY COVID 7 DAYS I-QUARANTINE – IATF

DAPAT pa ring mag-quarantine ang isang indibidwal na fully vaccinated hanggang 7 araw kapag nagkaroon ng exposure sa isang probable o confirmed COVID case.

Ito ang nakasaad sa IATF Resolution 142 na inilabas ng Task Force.

Ganunpaman, applicable lamang ito, ayon kay IATF at Presidential spokesperson Harry Roque sa mga asymptomatic fully vaccinated.

Nakapaloob din sa inilabas na IATF Resolution na kailangang maisagawa ang RT-PCR test makalipas ang limang araw na makasalamuha ang fully vaccinated sa pinaghihinalaan o positibong indibidwal na tinamaan ng virus.

Para sa mga closed contact na lampas na ng pitong araw mula sa exposure at nananatiling asymptomatic ay hindi na kailangan pang sumailalim sa testing at sa halip, mag-quarantine.

Samantala, ang unvaccinated at partially vaccinated naman na nakasalamuha ang isang probable, suspected at confirmed COVID case, 14 araw ang dapat bunuin para sa quarantine. (CHRISTIAN DALE)

54

Related posts

Leave a Comment