Kapag dumagsa ang COVID-19 patients sa mga ospital METRO MANILA BABALIK SA ECQ

MAAARING bumalik sa “stricter” community quarantine ang Metro Manila kapag ang mga ospital sa capital region ay nakapagtala nang mas mataas na kaso ng COVID-19.

“We go back to stricter quarantine or provide more facilities,” ayon kay presidential spokesperson Harry Roque.

Ang National Capital Region (NCR) ay kasalukuyang nasa general community quarantine simula Hunyo, kung saan isinama ang pagpapaluwag sa restriksyon sa public transport at businesses upang makasulong ang ekonomiya ng bansa.

Nauna rito, ang Metro Manila ay isinailalim sa enhanced community quarantine—ang most restrictive form ng lockdown ng mahigit dalawang buwan.

Sinabi naman ng Department of Health (DOH) na pupulungin nito ang mga kinatawan ng mga ospital sa darating na Lunes upang i-check ang sitwasyon sa kani-kanilang pasilidad. (CHRISTIAN DALE)

76

Related posts

Leave a Comment