Kapag tagumpay ang 3-day Nat’l Vax campaign MANDATORY VAX ‘DI NA KAILANGAN

TATAPUSIN muna ng pamahalaan ang three-day nationwide vaccination drive bago magdesisyon kung ikakasa ang mandatory COVID-19 vaccinations sa bansa.

Ito ay dahil maaaring hindi na ikonsidera ang naturang plano sa sandaling makitaan ng magandang bilang ng mga nagpabakuna ang ikinasang kampanya.

“We still continue to discuss that (mandatory COVID-19 vaccinations) inside the [Inter-Agency Task Force],” ayon kay acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Gayunman, ang bagong Omicron coronavirus variant ay panibagong factor na maaaring makapag-impluwensiya sa nasabing desisyon.

“So, at the end of the day, as President Rodrigo Duterte said, we will balance the police power of the state, and the public health and safety of our people. We continue to weigh the options,” anito.

Idinagdag pa ni Nograles na maaari rin naman aniyang magpasa ng batas ang Kongreso para sa mandatory COVID-19 vaccinations.

Target ng gobyerno ang makapagbigay ng 3 milyong doses kada araw para sa “three consecutive days.” (CHRISTIAN DALE)

4

Related posts

Leave a Comment