KAPATID SINAGIP, ESTUDYANTE NALUNOD

QUEZON – Nalunod ang isang 20-anyos na babaeng estudyante nang tangayin ng alon matapos na sagipin ang kanyang kapatid sa isang beach resort sa Sitio Aplaya, Brgy. Bignay 1, sa bayan ng Sariaya sa lalawigang ito, noong Undas.

Kinilala ang biktimang si Patricia Macinas, residente ng Brgy. Masalukot 5, bayan ng Candelaria.

Batay sa report ng Sariaya Police, nag-picnic ang magkakamag-anak kasama ang biktima sa resort kasabay ng paggunita sa Undas.

Subalit habang naliligo ang biktima at kapatid nitong babae sa tabing dagat, biglang natangay ang mga ito ng mga alon patungo sa malalim na bahagi dakong alas-3:00 ng hapon.

Nagawang mailigtas ng biktima ang kapatid sa pamamagitan ng pagpapasakay nito sa kanyang likuran hanggang sa dumating ang rescue boat.

Subalit matapos mailigtas ang kapatid muling natangay ng alon ang biktima hanggang sa tuluyan itong nalunod.

Napag-alaman sa imbestigasyon na may kalakihan pa ang mga alon sa baybaying dagat sa lugar dahil sa mga storm surge na dulot pa ng nagdaang bagyong Paeng. (NILOU DEL CARMEN)

19

Related posts

Leave a Comment