Kaso laban kay Rep. Teves, pilit at hilaw

File photo: NegOr Rep. Arnie Teves Jr., habang nasa graduation rites ng PNP training center kamakailan

MAINIT na pinag-usapan ng netizens at media ang biglaang paglutang ng pamilya ng biktima umano noong 2019 at pagsasampa ng kasong murder laban kay Negros Oriental 3rd Rep. Arnie Teves sa Department of Justice (DOJ).

Para sa netizens, tila hilaw na hilaw at kahit itanggi man ay halata na sinasamantala lang ang isyu sa pagkakapaslang kay Gov. Roel Degamo ng Negros Oriental.

Makikita sa comments ng sari-saring news media na karamihan ay natatawa na para raw pelikula lang ang nangyayari.
Ayon pa sa iba, mukhang matindi ang galit sa mambabatas na kilala sa programa sa Tele-radyo na “Aksyon, Tulong, Solusyon” kung saan ito naghahatid ng tulong sa halos lahat ng sulok ng bansa.

Si Teves ay isa sa pinaghinalaan sa pamamaslang kay Gov. Degamo ng kaanak at supporters nito.

Naniniwala ang mga supporter at tagasubaybay na lalabas ang katotohanan at malilinis ang pangalan ni Rep. Teves o Kuya Arnie sa nakakarami.

560

Related posts

Leave a Comment