KINITANG INTERES NG DSWD SAP FUNDS, IPAMAHAGI BILANG AYUDA

POSIBLE umanong kumita na ng dalawang buwang interes sa bangko ang P100 billion para sa Social Amelioration Program na hindi pa ipinamamahagi ng Department of Social Welfare and Development, ayon kay Bagong Henerasyon Party-list Rep. Bernadette Herrera.

Hindi bababa sa P160 million ang interest income ng P100 billion kung ang pagbabatayan ay ang Land Bank savings account interest rate, ayon sa mambabatas.

Sa kanyang tantiya, hindi bababa sa P20 libong dagdag na beneficiaries ng SAP ang matutulungan kapag ipinamahagi sa kanila ang interest income ng P100 billion.

Dagdag ni Herrera, dapat magkusa na ang Land Bank at iba pang bangko kung saan nakadeposito ang SAP funds, na i-report sa mapubliko kung magkano ang eksaktong halaga ng interest income at magkano ang hindi pa naipamamahaging DSWD SAP funds na nakadeposito sa kanila.

“Isipin sana nilang maiibsan ang paghihirap ng maraming pamilya kung mapakikinabangan ang interes,” ani Herrera.

“Those are funds meant for the beneficiaries, not for anyone else, so they must be spent as intended in the Bayanihan To Heal As One Act”, saad pa ng mambabatas. (CESAR BARQUILLA)

63

Related posts

Leave a Comment