KONGRESO NAKIALAM NA SA POGO

NAGSAGAWA na ng sariling pagsisiyasat ang mababang kapulongan ng Kongreso sa ilalim ng House Committee on Labor and Employment sa pangunguna ni Rizal Rep. Juan Fidel Felipe Nograles upang alamin at pag-aralan kung mayroong dapat gawing batas upang maiwasan na ang isyung kinakasangkutan ng mga Chinese nationals sa ibat- ibang krimen sa bansa.

Sinabi ni Department of Labor and Employment, (DOLE); Chief, Rosalinda Pineda na nakarating sa kanilang kaalaman ang iligal na operasyon ng ilang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa ngunit ang nasa ilalim ng kanilang kapangyarihan lamang umano ay magsagawa ng ispeksyon sa mga legal na POGO companies.

Nababahala naman si Parañaque City Rep. Gus Tambunting na naapektuhan ang mga kababayan nating pilipino na nagtatrabaho bilang POGO workers sa nangyayaring kagulohan na isang seryosong banta sa kabuhayan ng bawat pamilya nito.

Ayon naman kay National Economic and Development Authority (NEDA), Assistant Secretary, Sarah Lynne Ducanes, tinatayang umaabot sa P53.1 billion pesos o 0.31 percent ng gross domestic product ang pumasok sa ekonomiya ng bansa ngayong taon at sa kabila ng unemployed ay malaki rin ang naitulong ng POGO companies na matugunan ang kawalan ng trabaho sa ating mga kababayan.

Ikinababahala naman ng Department of Finance (DOF) na posibleng aabot sa P64.61 billion ang mawawala sa kita ng gobyerno kung patuloy na matitigil ang operasyon nito sa bansa. (Myrna Vere)

13

Related posts

Leave a Comment