KWATRO Kantos ay isang walang takot na talk show na tumututok sa iba’t ibang usapin mula sa komplikadong isyung pulitikal, iba pang paksa na kinabibilangan ng mga social issue. Bawat episode nito ay nagpapakita ng malalimang diskusyon at eskpertong pag-analisa sa mga usapin na inaasahang magbibigay sa mga manonood ng mas malalim na pang-unawa sa bawat isyu sa loob ng bansa. Ang live telecast na ito ay umeere tuwing Sabado, alas-10:00 ng umaga hanggang alas-11:00 ng umaga at mapapanood naman ang replay tuwing weekday.
Tumatayong host dito ang apat na mga eksperto sa pangunguna ng beteranong brodkaster na si Michael Fajatin, na kilala sa kanyang malalim na pagrereport at masiglang estilo ng pagtalakay. Ang Kuwatro Kantos ay naghahatid ng sama-sama at pang-malakasang pagbibigay-kaalaman sa mga manonood.
Kasama rin ang PR expert na si Alan German, na nag-aalok ng modernong estratehiya sa komunikasyon at pampublikong pananaw, na lalong magpapasigla sa talakayan sa pamamagitan ng kanyang kaalaman kung paano nabubuo at tinatanggap ang mga pangyayari.
Nariyan pa si dating Cabinet Secretary for Political Affairs Ronald Llamas na gamit ang kanyang malawak na karanasan sa mga kaganapang pampulitika ay lalo pang magpapalalim sa mga usapan at talakayan sa current events na nakakaapekto sa pamunuan at lipunan ng Pilipinas.
Dagdag pa, si Professor Guido David na hindi matatawaran ang pagiging dalubhasa bilang kilalang data analyst kaya naman ang talakayan ay siguradong nakabase sa mga datos kung saan makakaasa ang mga mga manonood na ang nakukuha nilang kaalaman ay nakabase sa mga katibayan at totoong kalakaran.
Ang show ay magpapakita ng mga kagigiliwang ekspertong panayam, masasayang diskusyon at interactive na partisipasyon ng mga manonood. Bawat episode ay nakapokus sa mainit at napapanahong isyu kung saan ang mga host ay magbibigay ng kanilang malalim na perspektibo at pag-analisa sa mga isyu. Ang mga manonood naman ay hinihikayat na aktibong magbigay ng kanilang saloobin, pananaw at mga kwestyon na lalo pang magpapakulay ng talakayan sa anumang tampok na paksa.
Ang Kwatro Kantos ay hindi lamang naglalayong magbigay ng impormasyon at kaalaman sa mga manonood tungkol sa lagay ng pulitika sa Pilipinas bagkus ay layunin din nitong hikayatin ang pakikiisa ng publiko at i-promote pa ang kritikal na pag-iisip sa pamamagitan ng mga diskusyong kapupulutan ng malalim na kaalaman. Sa pagtugon sa mga hamon at oportunidad na kinakaharap ng ating bansa, layunin ng show na palakasin ang mga manonood bilang aktibong kalahok sa demokrasya.
Ang Bilyonaryo News Channel ay available na sa libreng television channel na BEAM TV 31 (sa pamamagitan ng digital TV boxes sa Metro Manila, Cebu, Davao, Iloilo, Baguio, Zamboanga, at Naga) gayundin sa nangungunang cable TV provider, ang Cignal Channel 24.
60