LALAKI KALABOSO SA BOMB JOKE SA SIMBAHAN

NAHAHARAP sa multang P40,000 at limang taong pagkabilanggo ang isang 47-anyos na lalaki makaraang magbiro na may bomba sa loob ng simbahan ng Quiapo, Manila na kinaroroonan ng Itim na Nazareno nitong Biyernes.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Leandro Gutierrez, commander ng Manila Police District-Sta. Cruz Police Station 3, ang suspek na si Dennis Garcia ng Barangay Talipapa, Quezon City.

Ayon kay Police Captain Rowell Robles, hepe ng Plaza Miranda Police Community Precinct, bandang alas-5:30 ng madaling araw nang mangyari ang insidente.

Bunsod nito, nagpasaklolo ang isang nakatalagang security guard na si Michael Tamayo sa dalawang tauhan ni Captain Robles naging dahilan ng pagkakaaresto sa suspek.

(RENE CRISOSTOMO)

234

Related posts

Leave a Comment