QUEZON – Kapwa namatay ang dalawang lalaking magka-angkas sa motorsiklo matapos sumalpok ang kanilang sinasakyan sa center island sa Maharlika Highway sa Brgy. Ilayang Iyam, Lucena City noong Lunes ng madaling araw.
Ayon sa report, minamaneho ang motorsiklo ng fast food crew na si Jerick Mercene, 31, at angkas ang kanyang katrabaho na si Jaypee Ricohermoso, 26, nang mawalan ito ng kontrol at sumabit sa center island.
Sa lakas ng impact, natumba ang motorsiklo at bumagsak sa kalsada ang dalawa.
Kapwa walang suot na crash helmet ang mga biktima kaya parehong grabeng napinsala sa ulo na agaran nilang ikinamatay.
Base sa nakuhang impormasyon ng Lucena Police, galing sa inuman ang dalawa at ihahatid lamang ng nagmamaneho sa kanilang bahay ang backrider nang mangyari ang insidente. (NILOU DEL CARMEN)
109