LAW ENFORCEMENT PINALAKAS SA NAVOTAS

PINALAKAS ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang pagpapatupad ng mga batas at ordinansa para mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa unang 100 araw ng panunungkulan ni Mayor John Rey Tiangco.

Sa nasabing panahon, inaresto ng Navotas City Police ang 10 top most wanted persons at 31 most wanted personalities, kabilang ang suspek sa pamamaril noong Hunyo 15 sa Brgy. San Jose.

Nakumpiska naman ng pulisya ang P6,474,736 halaga ng ilegal na droga at P22,268 illegal gambling money sa mga operasyon noong Hulyo hanggang Setyembre.

Samantala, 72 gumagamit ng ilegal na droga ang nagtapos sa Bidahan, ang community-based drug rehabilitation program; 70 drug-related Text JRT reports ang inaksyunan, at 1,660 indibidwal na hinihinalang gumagamit ng ilegal na droga ang isinailalim sa drug-testing.

Sa mahigpit na pagpapatupad ng mga ordinansa ng lungsod, nadakip ang 4,512 traffic at parking violators; 497 violators ang pinagmulta sa paglabag sa anti-smoking at anti-littering laws, at 32 illegal fishing activities ang nahuli.

Pinangunahan din ni Tiangco ang pagpapasinaya sa bagong kumpuning

Navotas City Central Fire Station, at ang bagong tayong Disaster Risk Reduction Management staging area.

Bumili rin ang lungsod ng dalawang karagdagang garbage trucks, at nakakolekta ng 82,179 kilo ng solid waste at debris sa ika-37 International Coastal Clean-up.  Bukod dito, 144 mangrove at 129 tree saplings ang itinanim sa Tanza Marine Tree Park at iba pang bukas na espasyo sa lungsod. (ALAIN AJERO)

19

Related posts

Leave a Comment