LOLO NA ESTAPADOR ARESTADO SA MAYNILA

BINITBIT ng mga operatiba ng District Investigation, Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) ng Manila Police District ang 64-anyos na lalaki na sangkot sa panggogoyo.

Dinakip si alyas “Carlito” Capco, ng Tramo St., Barangay 105 Zone 11, Pasay City sa bisa ng arrest warrant sa kasong paglabag sa Article 177 ng Revised Penal Code (Usurpation of Authority )Estafa thru Falcification of Public Document na 2 counts sa lungsod ng Pasay, umaga nitong Huwebes.

Ayon kay Police Major Edward Samonte, hepe ng MPD- SMaRT, bandang 6:30 ng umaga nang arestuhin ang suspek sa kanyang bahay.

Ito’y bilang pagtalima rin sa direktiba ni Police Brigadier General Andre Perez Dizon para sa Simultaneous Anti- Criminality Law Enforcement Operation.

Nauna nang iniutos ng opisyal sa kanyang Deputy na si Police Major Emmark Dave Apostol, kasama ang Station Warrant Section na mga tauhan ni Police Lieutenant Colonel Rosalino Ibay Jr., Station Commander ng MPD- Raxabago Police Station ang pagdakip sa suspek.

Agad isinailalim sa surveillance operation ang suspek at nang magpositibo ay sinilbihan ito ng warrant of arrest  na inisyu ni Hon. Paul A. Flor, Pairing Judge ng MTC branch 19 ng Maynila. (RENE CRISOSTOMO)

10

Related posts

Leave a Comment