LSIs PATULOY SA PAGDAMI

PUMALO na sa 16,000 ‘as of July 4’ ang mga pangalan na nasa listahan ng gobyerno para makabenepisyo sa Hatid Tulong program.

Sinabi ni Hatid Tulong Program Executive Director Asst Secretary Joseph Joy Encabo na tuloy tuloy pa rin na nadaragdagan ang nagpapalista sa kanila para makauwi sa  kani- kanilang mga pinanggalingang lugar.

Aniya, nakakita kasi ng magandang oportunidad ang marami nating mga kababayan para makadaing at makahingi ng tulong sa national government at ito ay nang mag- isyu ang Pangulo ng direktiba para matulungan ang mga LSI.

Sinabi ni Encabo na nakakita ng malaking oportunidad ang mga nagpalista para sa Hatid Tulong program na nasa gawi ng Mindanao partikular sa Caraga Region at ang Davao Region. So iyon po ang may malaking numero o mataas na numero ng mga LSIs na gusto nang umuwi sa kanilang mga probinsya.

Sa kabilang dako, nilinaw naman ni Encabo na iba ang naturang inisyatibo kumpara sa Balik Probinsya, dahil ang mga benepisyaryo ng Balik probinsiya ay wala sa kategoryang stranded individuals. (CHRISTIAN DALE)

84

Related posts

Leave a Comment