MAAGANG PASKO SA NATIONAL PRESS CLUB

UMABOT sa isang libong pamilya sa Baseco Compound sa Port Area, Manila ang nabigyan ng maagang pamasko ng National Press Club sa Intramuros, Manila nitong Sabado ng umaga.

Pinangunahan ni Lydia Bueno, pangulo ng NPC, kasama ang 10 nitong opisyal, at Lions Club of Pasay City, ang pamimigay ng bigas at grocery items.

Dumalo sa nasabing gift giving ang mga opisyal ng Philippine Fugian General Business Association na isa sa mga sponsor.

Si Manila Police District Director Brigadier General Andre Perez Dizon ang guest of honor sa nasabing gift giving na nagsimula ng bandang 9:00 ng umaga.

Ayon sa Philippne Fugian General Business Association, natuwa sila dahil matagumpay na naipagkaloob ang kanilang munting regalo sa 1,000 pamilya sa Baseco Compound na naging matiwasay at maayos na naipamahagi ang grocery items. (RENE CRISOSTOMO)

39

Related posts

Leave a Comment