MAALIWAS na kalangitan ang aasahan ng mga Pinoy sa pagsalubong sa Bagong Taon, ayon sa Pagasa.
Ito ay matapos bayuhin ng malalakas na pag-ulan, nagwasak sa maraming ari-arian at kumitil sa buhay ang higit sa 20 katao ang bagyong Ursula sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao habang patuloy na nasa evacuation centers ang libu-libong napinsala ng bagyo noong Pasko.
Ang bagyong Ursula ay tinataya sa 335 kilometro ng timog Zambales Biyernes ng alas-4:00 ng madaling araw at hindi na makaapekto sa anumang paraan sa bansa. Inaasahang aalis na ng bansa sa Sabado si Ursula, ayon kay Pagasa weather forecaster Ezra Bulquerin.
Sa bisperas ng Bagong Taon, Martes, maaliwalas na panahon na ang mararanasan na may bahagyang pag-ulan lamang sa hapon o gabi.
Ang Ilocos, Cordillera, at Cagayan Valley regions kasama ang Aurora province ay makararanas ng maulap na papawirin na may mga kaunting pag-ulan. Ang Metro Manila at nalalabing lugar sa bansa ay may maaliwalas na papawirin na may bahagyang pag-ulan sa hapon o gabi.
439