MAFIA SA PHILHEALTH ILALANTAD SA SENATE PROBE

INIHAYAG ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na kanilang ilalantad ang lahat ng miyembro ng tinaguriang “PhilHealth Mafia” sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na sangkot
ang ilang opisyal sa malawakan at malalim na korapsiyon sa ahensiya sa gaganaping imbestigasyon ng Senado sa susunod na linggo.

Sa pahayag, sinabi ni Lacson na nagbalik ang “mafia” sa PhilHealth na mas masugid at matinding kumurakot sa ahensiya na ilan ay nailantad noon nakaraang Hulyo sa ginanap na imbestigasyon ng Senado.

“We have witnesses who are willing to testify and detail the pervasive and deep-rooted corruption in the Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth),” ayon kay Lacson.
Sinabi ni Lacson na muling ilalantad sa imbestigasyon ang parehong mga karakter na nagsamantala sa ahensiya na ibinulgar noon sa isinagawang imbestigasyon base sa kanyang privilege speech na

pinamagatang “PhilHealth and the Department of Wealth.” “At the outset, I can say that this new Senate investigation will reveal the same cast of characters, or at least a number of them, that we already exposed in a Senate inquiry in August last year after my “PhilHealth and the Department of Wealth” privilege speech on July 29, 2019.

Aniya, nagbalik ang sindikato, at hindi umalis o tinanggal ang puno’t dulo ng grupo.

“I would say, the syndicate is back with a vengeance – or at least its core group has never left,” giit ni Lacson.

“It is revolting to see the PhilHealth mafia very much active and still in control of the already depleted resources of agency, made worse by blatant manipulation of its financial statements. They

must have mastered the art of influence peddling as they seem to continue to gain access to the “corridors of power,” paliwanag pa ni Lacson.

Kamakailan, nabulgar ang P1 bilyong questionable transaction sa PhilHealth kabilang ang mga overpriced na IT equipment at PPE at test kits na ginagamit sa mga biktima ng corona virus 2019
(COVID-19).

Bukod kay Lacson, magkasamang naghain ng resolusyon si Senate Preident Vicente Sotto III upang imbestigahan ang katiwalian sa PhilHealth at may hiwalay na resolusyon si Senador Risa Hontiveros para sa isang special audit sa pondo ng pamahalaan vs COVID-19. (ESTONG REYES)

77

Related posts

Leave a Comment