MAG-AMA NALUNOD SA LAGUNA LAKE

LAGUNA – Nalunod ang isang 40-anyos na mangingisda at menor de edad na anak nitong lalaki habang nangingisda sa Laguna lake sa Bayan ng Sta. Cruz.

Ayon sa Sta Cruz Police, dakong alas-11:30 ng umaga noong Sabado nang marekober ng mga tauhan ng Sta. Cruz MDRRMO at Laguna PNP ang bangkay ni Urbano Estrosa Jr. at 12-anyos na anak nito.

Kapwa wala nang buhay ang mag-ama nang matagpuan ng search and rescue team habang nakalutang sa Laguna Lake.

Napag-alaman na noong Biyernes ng tanghali nang umalis sa Barangay Gatid, Santa Cruz, ang mag-ama sakay ng kanilang maliit na bangka para mangisda sa lawa.

Subalit dahil sa masamang panahon, hindi nakabalik ang mag-ama hanggang sa maglunsad ng search and rescue operations ang mga awtoridad. (NILOU DEL CARMEN)

7

Related posts

Leave a Comment