MAG-AMANG WANTED SA MURDER SA LEYTE, NADAKMA SA LAGUNA

NAGWAKAS na ang tatlong taong pagtatago ng mag-amang wanted sa kasong murder at attempted  murder sa probinsya ng Leyte matapos na ang mga ito ay matunton ng mga awtoridad sa kanilang pinagtataguan sa Calauan, Laguna.

Batay sa report ng Laguna PNP, magkasunod na naaresto ang mag-amang sina Richard Palconit, 34, at Felimon Palconit, 69, sa dalawang operasyon sa Barangay Dayap noong Miyerkoles at Huwebes.

Ang mag-ama na parehong taga Brgy. Toctoc, Leyte, ay kapwa wanted sa mga kasong murder at 3 counts ng attempted murder na isinamapa noong Hulyo 17, 2019.

Inaresto ang mga ito sa bisa ng warrant of arrest mula sa Regional Trial Court Branch 36, Carigara, Leyte.

Batay sa record ng pulisya, nangyari ang krimen noong 2019 sa sa nasabing probinsya subalit makatakas ng mag-ama at nawala hanggang sa matunton ang mga ito sa Laguna. (NILOU DEL CARMEN)

Related posts

Leave a Comment