“MAGING PATAS SA LAHAT”- CONG. TEVES Sa pag-singleout ng PNP

PINANGANGAMBAHANG isang maitim na balakin ng kalaban sa pulitika ni 3rd district Negros Oriental Rep. Arnie Teves ang nasa likod ng pagkumpiska sa mga lehitimong baril ng mambabatas ng Philippine National Police-Firearms and Explosive Office dahil lamang sa umano’y nakakadudang dokumento na isinumite nito para sa lisensya ng kanyang baril.

Sa privilege speech ni Cong. Teves kahapon sa plenary hall ng mababang kapulungan ng Kongreso ay naging emosyonal ito at nanawagan sa pamahalaan na maitama ang ang tila pang-haharass sa kanya maging sa kanyang pamilya at pambabato ng malisyosong paratang laban dito.

Matatandaang kinumpiska at binawi ng PNP-FEO ang license to own and possess firearms (LTOPF) ang ilang baril Cong. Arnie Teves dahil lamang sa umanoy kadudadudang papeles nito.

Agad naman na nagbigay ng suporta ang mga kapwa mambabatas ni Teves kung saan ay nanawagan na igalang ang bawat miyembro ng Kongreso lalo sa karapatan para sa personal na seguridad nito.

“Wala akong ginagawang masama nananawagan ako na ibalik na ang lisensya ko” ito ang madamdaming hiling ni Teves sa pamunuan ng PNP, maging kay FEO Chief, Col. Kenneth Lucas na maging patas at huwag magpagamit sa ilang makapangyarihang naka puwesto ngayon sa pamahalaan na maaring ginagamit din ng kanyang kalaban sa pulitika.

Nauna nang naudlot ang banta sa buhay ng pamilya Teves mula ng isiwalat ng mambabatas sa isang press conference kasama ang kanyang abogadong si Atty. Ferdinand Topacio ang natanggap nitong intelligence report na binalak umano ng kanyang mga kalaban na gamitin ang ilang miyembro ng Pulisya sa kanyang lalawigan upang taniman ito sa kanyang tahanan ng granada upang lalo itong madiin sa kaso na siyang maaring magpabagsak sa kanyang kridibilidad.

Dahil dito ay nagpa abot ang mamamayan ng Negros Oriental kay Teves na babantayan at bibigyan proteksyon ang kanilang Congressman sa sinumang nagbabanta dito. (RUDY SIM)

350

Related posts

Leave a Comment