MAGKAKAMAG-ANAK MINASAKER SA BUKIDNON

PATAY ang limang magkakamag-anak matapos atakihin ng anim na armadong kalalakihan nitong nakalipas na Linggo ng madaling araw sa Lantapan, Bukidnon.

Ayon sa Lantapan Municipal Police Station, posibleng away sa lupa ang motibo sa pamamaslang sa mga biktima.

Nabatid na pinasok ng mga armado ang bahay ng isang Mael Lugnasan at pinagbabaril ang mga taong inabutan sa loob na agad ikinasawi ng apat na magkakamag-anak kabilang ang isang menor de edad.

Nakaligtas naman umano si Lugnasan, bagaman nahagip din ito ng bala sa tiyan.

Isinunod ng mga salarin ang isang Daniel Lugnasan na pinagtataga nila sa bahay nito hanggang sa mamatay. Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng ibang biktima.
Sa follow-up operation ng mga awtoridad ay nadakip ang tatlo sa mga salarin habang pinaghahanap ang tatlo pa nilang kasama. (JESSE KABEL RUIZ)

33

Related posts

Leave a Comment