MAGTIYUHIN NAKURYENTE SA BUKID PATAY

QUEZON – Patay ang magtiyuhin matapos na makuryente sa kanilang bukid sa bayan ng Mulanay, sa lalawigang ito.

Kapwa wala nang buhay nang madiskubre noong Miyerkoles ng hapon ang mga biktimang sina Fabian Ermo Bia, 75-anyos, at Sherwin Mediavilla, parehong residente ng Barangay Sta. Rosa.

Batay sa report ng Mulanay Police, umaga nang magtungo ang mga biktima sa bukid para bisitahin ang kanilang mga pananim.

Subalit ayon sa mga kaanak, hindi nakabalik ang dalawa dakong tanghali na oras ng kanilang pagkain.

Nang hanapin, nakita ang magkatabing bangkay ng mga ito na nakabulagta malapit isang talop na kable ng kuryente.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na isa sa dalawang biktima  ang unang napahawak sa talop na linya at nakuryente  na posibleng tinangka namang tulungan ng ikalawa na naging dahilan ng pareho nilang pagkamatay. (NILOU DEL CARMEN)

Related posts

Leave a Comment