MAHABANG GABI SIMULA SA SEPT. 23 — PAGASA

equinox44

(NI ABBY MENDOZA)

MAS magiging visible ang mga bituin sa langit simula Setyembre 23 dahil sa mararanasang Equinox o mas mahabang gabi, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (Pagasa).

Ayon sa Pagasa, ang equinox na nanggaling sa Latin word na Equi na ang ibig sabihin ay equal at nox na ang ibig sabihin ay gabi ay nangangahulugan na magkakaroon ng equal na 12 oras ang araw at gabi.

Ang ganitong astronomical event ay indikasyon na malapit na ang winter sa northern hemisphere at summer naman sa  southern hemisphere.

Ang equinox ay nagaganap tuwing buwan ng Setyembre kada taon kung saan ang araw ay dumaraan sa celestial equator.

“Equinox will occur on September 23 at 3:50 in the afternoon, day and night are of approximately equal duration all over the planet during the autumnal equinox. Hence, thereafter, Philippine nights will be longer as the sun moves below the celestial equator towards the southern hemisphere,” ayon sa Pagasa.

Sinabi ng Pagasa na dahil mas mahaba ang magiging gabi sa bansa ay mas visible ang mga bituin sa kalangitan na magandang pagkakataon para sa stargazing.

 

 

 

129

Related posts

Leave a Comment