MAHIGIT 200 PULIS NAGPOSITIBO SA COVID-19

0

MAY kabuuang bilang na 224 ang nadagdag sa bagong kaso ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Batay sa datos ng PNP-Health Service, mayroon nang 2,604 ang aktibong kaso o hindi pa gumagaling ngayon at patuloy na ginagamot sa ospital.

Nasa 176 naman ang naitalang naka-recover kahapon na nadagdag sa 34,168 bilang ng mga gumaling sa naturang sakit.

Wala namang naitalang namatay ngayong Sabado, September 11, 2021 kaya nanatili sa 108 ang kabuuang nasawi sa sakit. (JG TUMBADO)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment