MARCOS INIUTOS TOTAL BAN SA POGO

“EFFECTIVE today, all POGOs are banned.”

Ito ang inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) sa Batasang Complex, Lungsod ng Quezon.

Para sa Pangulo, kailangan ng itigil ang panggugulo ng POGO sa lipunan at paglapastangan sa bansa.

“The grave abuse and disrespect to our system and laws must stop,” ayon kay Pangulong Marcos.

Inatasan din ng Pangulo ang Philippine Amusement and Gaming Corporation ng ‘tight deadline’ para i-wind down ang kontrobersiyal na POGO activities bago matapos ang taon.

Tila binuksan kasi ng POGOs ang ‘gateway’ sa mga criminal activities sa Pilipinas, Philippines, ginawang ng maraming pagsalakay kung saan nakakita ng ebidensya ng human trafficking, prostitusyon, torture at marami pang iba.

Inatasan din ng Pangulo ang Pagcor na tumulong sa paghahanap ng alternatibong trabaho para sa mga mawawalan ng hanapbuhay.

Sa ulat, nagbigay na ng rekomendasyon si Finance Secretary Ralph Recto kay Pangulong Marcos para sa total ban sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operation (POGO).

Sa kabilang dako, pinuri naman ni Senador Win Gatchalian ang mga business at socio-civic groups sa pagsuporta sa panawagan na ipagbawal na ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa sa gitna ng mga natuklasang iregularidad at paglaganap ng mga krimen na nauugnay sa nasabing industriya.

Kabilang sa mga organisasyong ito na nagpahayag ng suporta para sa pagbabawal sa mga POGO ay kinabibilangan ng Philippine Chamber of Commerce and Industry, Alyansa Agrikultura, Makati Business Club, Management Association of the Philippines, Financial Executives Institute of the Philippines, Foundation for Economic Freedom, UP School of Economics Alumni Association, Institute of Corporate Directors, at Justice Reform Initiative.

“Ikinagagalak kong malaman na ang mga malalaking business groups ay sumusuporta sa ating adbokasiya na ipagbawal na ang mga POGO sa bansa alinsunod sa posisyon ng ating economic managers. Sana ay pakinggan ng Pangulo ang lumalakas na panawagan at gumawa ng nararapat na desisyon,” sabi ni Gatchalian.

Ipinunto ng nasabing mga grupo na ang pagpapahintulot sa POGO ay hadlang sa paglago ng ekonomiya at mababawasan pa ang investor confidence.

Sinabi pa ng mga ito na ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at ang gobyerno ay dapat lumikha ng mga alternatibong oportunidad sa trabaho para sa mga maaapektuhan ng pagsasara ng mga kumpanya ng POGO.

“Kagaya ng sinasabi ng mga negosyante sa bansa, hindi natin kailangan ang mga POGO na manatili sa bansa kung gusto natin na maging mabilis ang paglago ng ating ekonomiya at mas mapayapa ang ating mga komunidad,” ayon sa senador. (CHRISTIAN DALE)

150

Related posts

Leave a Comment