Marcos loyalists ginagatungan THINKING PINOY ‘NASUNOG’, NAGTATAWAG NG RESBAK

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

‘SUNOG’ kaya ginagatungan ng vlogger na si Rey Jose ‘RJ’ Nieto o Thinking Pinoy ang kanyang mga kapwa ‘tanso’ o mga loyalista na rumesbak kay dating Executive Secretary Vic Rodriguez.
Ito ang kantyaw ng isa ring vlogger na si Banat By bilang reaksyon sa magkasunod na Facebook live at posts ni Nieto o TP kamakailan kung saan itinuro niya si Rodriguez na nasa likod ng mga pagpuna at batikos sa administrasyong Marcos ng pahayagang SAKSI Ngayon.

Taliwas sa pahayag ni TP, matagal nang hindi konektado sa pahayagang ito si Rodriguez.

Nag-ugat ang panggagalaiti ni TP nang soplahin siya ni Rodriguez sa pamamagitan ng Facebook post kung saan binuking nito ang pag-aasam ng pwesto ng una sa Marcos Jr. admin.

Sa kanyang social media post, hayagang inamin ni Rodriguez ang paglapit sa kanya ni Nieto na di umano’y nag-apply bilang ‘political adviser’ ng Pangulo.

Para kay Rodriguez, walang sustansya ang mga patutsada ni Nieto na inilarawan niyang pawang benggansa ang pakay.

“To this self-designated attack dog who wanted to become the Political Adviser, do not take it too personally. I am not sorry if you think I have caused your non-appointment to your coveted post during my time, for you simply do not have the wisdom and maturity, more so the gravitas, for such a crucial role,” ani Rodriguez kay Nieto o TP.

Payo ng nagbitiw na executive secretary ni Marcos sa vlogger, huwag maniwala sa tsismis at sa halip ay magsaliksik para maging kapani-paniwala.

“My unsolicited advice is for you to include the painstaking task of research and make your vlogs credible by refraining from using pure speculations as your source. And address issues that affect our people and help in nation-building, instead of resorting to personal attacks.”

Paglilinaw ng abogadong nagsilbing tagapagsalita ni Marcos mula pa taong 2016, si Nieto ang nagsusumiksik sa gobyerno.

“I have no intention of rejoining the Administration for reasons which I am prepared to stand alone for.” pagtatapos ni Rodriguez.

Dito na binisto ni Banat By na hindi ito ang unang pagkakataon na nagtangkang makasilat ng pwesto sa gobyerno si TP kundi maging noong administrasyong Duterte.

Taong 2017 aniya nang dumikit TP sa noo’y Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano para sa posisyon ng undersecretary sa Department of Foreign Affairs (DFA).

“It’s nothing new. Ginawa niya (Nieto) na yan dati. Yung una, yinakap-yakap si Cayetano… nagpapa-appoint daw pala sa DFA. Nung tinanggihan kasi nga hindi naman kwalipikado… ayun inaraw-araw ang banat kay Cayetano.”

Matapos mabigo sa DFA, kay dating Presidential Communications and Operation Office (PCOO) Sec. Martin Andanar naman lumapit si TP.

Gayunpaman, hindi kinagat ni Andanar ang paandar nito – dahilan para birahin din nang walang humpay ni TP ang naturang departamento.

Yun din aniya ang dahilan kung bakit hindi tinatantanan ni TP si Rodriguez.

Ayon kay Banat By, target ng tinawag na attack dog ng Palasyo na maging presidential adviser on political affairs ni Marcos.

Patutsada pa nito, inuuto naman ngayon ni TP ang mga Marcos loyalist para kuyugin si Rodriguez sa social media.

264

Related posts

Leave a Comment