MAYOR, KONGRESISTA NAGSURENDER NG BARIL

ISINUKO ng dalawang mataas na local official sa Imus City, Cavite ang kanilang service firearm bilang pagtalima sa kautusan ng Philippine National Police (PNP) at pagpapakita ng halimbawa sa kanilang mga kababayan.

Ipinadeposito nina Imus City Incumbent Mayor Alex Advincula at Representative Adrian Rey Advincula ang kanilang baril sa Imus Component City Police Station alinsunod sa programa na PRO4 IMPLAN F.E.E.L S.A.F.E of Firearms and Explosive from Candidate /Supporter/Kins Juridical for Safekeeping and or Disposal, And Effort Leading to a Secure, Accurate and Fair Election in CALABARZON Region.

Ito ay matapos silang maghain ng COC bilang mga reeleksyunista.

Sinabi ni Police Lt Colonel Alfie M. Salang, Officer in Charge ng Imus Component City Police Station, layunin ng programa na hikayatin ang mga kandidato, kamag-anak at kanilang supporters na isurender ang kanilang mga service firearm upang mapanatili ang katahimikan sa Halalan 2025, alinsunod na rin ito sa umiiral na firearms ban.

May isa pa umanong board member ang nagsuko rin ng kanyang baril bagaman hindi na ito idinetalye ng pulisya. (SIGFRED ADSUARA)

67

Related posts

Leave a Comment