MGA ESKWELAHAN DAPAT MAGING PROACTIVE SA USAPIN NG HAZING

DAPAT maging ‘proactive’ ang mga eskuwelahan pagdating sa usapin ng hazing o initiation rites sa mga fraternity o sorority.

Ito ang naging paksa sa Media Forum Sa Kapihan sa Manila Bay na kabilang si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa sa naging mga panauhin.

Ayon kay Dela Rosa, hindi siya pabor na ipagbawal ang nasabing brotherhood o samahan.

Sa halip, dapat aniyang magsilbi bilang pulis ang mga miyembro nito sa kanilang hanay upang maiwasan ang pagbubuwis ng buhay.

Ang pahayag ni Dela Rosa ay kasunod ng pagkamatay ng third year chemical engineering student ng Adamson University na si John Matthew Salilig dahil sa hazing.

Iginiit din ni Dela Rosa na mayroon nang batas laban sa hazing, kailangan lamang aniyang maging ‘proactive’ sa pagpapatupad ng batas ang mga unibersidad o eskwelahan.

Si Senador Dela Rosa ay nagtapos sa Philippine Military Academy o PMA kung saan ilang kadete na rin ang nagbuwis ng buhay dahil sa hazing. (RENE CRISOSTOMO)

214

Related posts

Leave a Comment