Mga guro hindi pinasahod CMU HRD TINANINGAN NG 72-ORAS NG MALABON LGU

TINANINGAN ng 72-oras ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon ang Human Resources Department (HRD) ng City of Malabon University (CMU) para magpaliwanag ukol sa umano’y hindi pagpapalabas ng sahod ng ilang guro ng pamantasan,

Sinabi ni Mayor Jeannie Sandoval noong Biyernes, Oktubre 14, tatlong araw lamang ang ibinigay ni City administrator Alex Rosete na palugit sa CMU, para matiyak ng HR unit ng city hall na ibibigay ng CMU ang lahat ng hindi nabayarang payroll bago matapos ang office hours.

Tiniyak din ng alkalde na magsasagawa ng masusing imbestigasyon ukol sa usapin, at itutuwid ang mga naging pagkakamali.

Dagdag pa ng city hall, deka-dekada nang nababahiran ng pulitika ang pagpapalakad sa unibersidad ng lungsod.

Nabatid naman mula kay CMU vice president for academic affairs Glenn de Leon, ang ilan sa mga guro ng pamantasan ay hindi kukulangin sa tatlong buwan nang ‘di nababayaran.

Aniya, pahirap sa kanilang mga propesor ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin, at hindi na nila kakayanin ang isa na namang pagkaantala ng sweldo, kaya’t ipinaabot na nila ang usapin sa city hall. (ALAIN AJERO)

16

Related posts

Leave a Comment