HINIMOK ni Senate President Juan Miguel Migz Zubiri si Pangulong Bongbong Marcos na palitan na ang mga opisyal ng gobyerno na palpak sa kanilang pwesto.
Reaksyon ito ni Zubiri kasunod ng pagbaba ng ratings ng Pangulo bunsod na rin ng problema ng inflation.
Iginiit ng Senate leader na panahon nang suriin ng Malakanyang ang lahat ng opisyal na itinalaga sa iba’t ibang posisyon lalo na ang mga may mandato na kontrolin ang presyo ng mga bilihin at pangunahing serbisyo.
Dapat anyang kwestyunin ng Pangulo ang mga opisyal nito kung bakit hindi makontrol ang presyo ng mga bilihin, at bakit hanggang ngayon ay walang hoarders at manipulators na naparurusahan.
Sinabi ni Zubiri na nasa tatlo hanggang apat na ahensya ng gobyerno ang nakikita niyang dapat nang palitan ang pinuno subalit tumanggi muna itong tukuyin dahil kakausapin pa niya ang Pangulo.
(DANG SAMSON-GARCIA)
134