MGA PROGRAMA PARA SA ECONOMIC RECOVERY, SUPORTADO NG SENADO

TINIYAK ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na susuportahan ng Senado ang lahat ng programa ng gobyerno na may kinalaman sa economic recovery.

Sinabi ni Sotto na tututukan nila sa 3rd regular session ng 18th Congress ang mga programa para labanan ang COVID 19 at ang vaccination program.

Sa pagbubukas ng sesyon nitong Lunes, kabuuang 21 senador ang dumalo kabilang na ang 13 na physically present habang 8 ang virtually present.

Sa kanyang speech sa pagbubukas ng sesyon, sinabi ni Sotto na patuloy na maglalaan ang Senado ng pondo sa lahat ng programa ng gobyerno sa paglaban sa Covid19 subalit binigyang-diin na dahil  galing sa buwis ang pondo, patuloy nilang sisiyasatin ang paggastos nito.

Binanggit din ng lider ng Senado na hindi nila aabandonahin ang pangangailangan ng mga Overseas Filipino Workers lalo’t isa rin sila sa matinding naapektuahan ng pandemya.

Idinadagdag pa ni Sotto na committed ang kanilang hanay sa
disaster preparedness at proteksyon sa kalikasan sa gitna ng nagaganap na climate change.

Sa huli, nag-iwan si Sotto ng mensahe na “God is too wise to be mistaken, God is too good to be unkind, so when you don’t understand, when you don’t see his plan, when you can’t trace his hand, trust his heart. (DANG SAMSON-GARCIA)

40

Related posts

Leave a Comment