PINAGHAHANDAAN na ng Philippine Ports Authority ang pagdagsa ng bulto-bultong shipment at maging mga biyahero sa malalaking puerto sa bansa sa pagpasok ng yuletide season.
Inihayag ni PPA General Manager Jay Santiago, simula sa susunod na buwan ng Oktubre ay inaasahan na tataas na naman ang utilization rate o paggamit sa mga pantalan, lalo na sa National Capital Region (NCR).
Mula Oktubre hanggang bago mag-Chinese New Year sa susunod na taon, ay tumataas mula 91% hanggang 92% ang utilization ng mga importer.
Kaya pinapayuhan ni GM Santiago ang suppliers na agahan ang booking sa mga shipping line upang hindi na magkasabay-sabay ang bulto-bultong shipment sa mga pantalan bago o sa mismong Disyembre.
Bukod sa mga importer, kailangan din aniyang maging maayos ang schedule para sa paglabas sa mga shipment mula sa mga pantalan gamit ang malalaking truck.
Paliwanag pa ng opisyal, madalas itong nagdudulot ng mabigat na trapiko sa mga lansangan sa Metro Manila, lalo na tuwing Christmas season. (JESSE KABEL RUIZ)
97