MILITARY OFFICERS ISINALANG SA FORENSIC TRAINING

ILANG military officers ang sinanay sa ‘recovery and protection’ ng mga bangkay mula sa emergencies o land and maritime conflict, kaugnay sa pangangalaga at ‘handling’ ng mga labi.

Ayon sa Armed Forces of the Philippine, may 21 military officers and employees ang sinanay ng International Committee of the Red Cross (ICRC) sa humanitarian forensic sa Makati City.

Nakatuon ang pagsasanay sa pangkalahatang prinsipyo tungkol sa proteksyon at pamamahala (handling) ng mga namatay sa emergencies at tunggalian.

Tinalakay ng ICRC ang mga pamantayang tanggap sa buong mundo para sa dokumentasyon, recovery, pag-transport, pansamantalang paglilibing o pag-iimbak ng namatay, at koordinasyon sa kinauukulang mga partido.

Ang mga opisyal ng AFP at ICRC ay nagpalitan ng pinakamahusay na kasanayan at tinalakay ang karaniwang mga hamon sa proteksyon at pamamahala ng mga namatay.

Ang AFP at ang ICRC ay nagsaliksik din ng mga paraan kung saan maaari silang makipagtulungan sa hinaharap, tulad ng para sa capacity building activities. Nilalayon ng workshop na bigyang daan ang mas estratehikong kooperasyon sa pambansang antas.

Bago ito, isang opisyal ng AFP ang sinuportahan ng ICRC noong 2022 sa pagdalo sa isang internasyonal na kurso hinggil sa proteksyon at pamamahala ng namatay, sa Pakistan.

Nabatid na isa pang military officer ang nakatakdang dumalo rin sa kaparehong pagsasanay sa Disyembre 2023. Bukod dito ay nagkaloob din ang ICRC ng materyal na suporta sa AFP sa sa pamamagitan ng donasyon ng 200 body bags.

Ang nabangit na mga pagsasanay ay nakapaloob sa memorandum of understanding na nilagdaan sa pagitan ng AFP at ng ICRC noong 2021 upang pahusayin ang kooperasyon ng dalawang institusyon sa epektibong pagpapatupad ng IHL, at ang pagsasama nito sa pagtuturo sa mga sistema at proseso ng militar.

(JESSE KABEL RUIZ)

159

Related posts

Leave a Comment