MISSING CAFGU BANGKAY NA NAHUKAY SA QUEZON

QUEZON – Makaraan ang ilang araw na pagkawala ng isang miyembro ng CAFGU, natagpuan ang bangkay nito na nakabaon sa magubat na lugar sa Barangay Masalukot III, sa bayan ng Candelaria sa lalawigang ito, noong Biyernes ng tanghali.

Batay sa report ng Candelaria Police, isang barangay tanod ang nadiskubre sa bangkay na nakabaon sa isang mababaw na hukay sa Sityo Trenta y Siete Ilaya sa nasabing barangay.

Kinilala ito na si Joven Borja Non, residente ng Barangay Masalukot, isang CAFGU na nakatalaga sa Patrol Base ng 2nd Platoon ng 8th CAA Company, sa ilalim ng 59th IB, 2ID, ng Army.

Ayon sa pulisya, tinatayang nasa apat na araw nang nakalibing ang biktima base sa estado ng labi nito at sa lupang pinaglibingan.

Ang biktima ay napaulat na nawawala mula pa noong nakaraang linggo matapos na umalis sa kanilang bahay patungo sa kanilang kampo.

Ayon sa Candelaria Police, mayroon na silang persons of interest sa krimen na umano ay mga kamag-anak din ng biktima.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung ano ang motibo ng mga suspek sa brutal na pagpaslang sa biktima.

Patuloy pa ang imbestigasyon at inaalam kung ano ang ikinamatay nito. (NILOU DEL CARMEN)

34

Related posts

Leave a Comment