MOST WANTED SA RAPE NATUNTON SA PAMPANGA

NATUNTON ng mga operatiba ng District Police Intelligence Operation Unit (DPIOU) ng Manila Police District, ang isang top one most wanted person sa kasong panggagahasa, sa Brgy. San Jose Gumi, Lubao, Pampanga.

Kinilala ni Police Colonel Samuel Pabonita, hepe ng District Investigation Division (DID) ng MPD, ang suspek na si Michael Rodriguez, 51, ng nabanggit na lugar.

Base sa ulat ni Police Major Jervies Soriano, hepe ng DPIOU, bandang alas-3:30 ng hapon nang arestuhin ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Acting Presiding Judge Princess Ma. Bajarias- Hermogeno, ng Family Court, Branch 6 ng City of Manila.

(RENE CRISOSTOMO)

207

Related posts

Leave a Comment