HABANG humihiling ng mabilisang imbestigasyon at agarang resolusyon ang China Embassy dito sa Pilipinas, para sa mga kasong kriminal na kinasasangkutan ng Chinese citizens sa bansa, isang grupo naman ng Chinese citizens ang sangkot sa pamamaril sa kapwa nila Chinese national na tinangayan pa nila ng sasakyan.
Natagpuang duguan at nakahandusay sa daan ang isang Chinese national matapos umanong barilin ng mga kapwa Chinese na nagpanggap na mga buyer ng kanyang luxury SUV sa Cabuyao, Laguna.
Ayon sa ulat, tinamaan ang Chinese ng bala sa hita sa nasabing insidente sa Barangay Diezmo.
Sinabi ng Cabuyao City Police, mula sa Mandaluyong ang biktima at sumama sa test drive ng mga suspek, na nagpanggap na bibilhin ang kanyang mamahaling sasakyan.
Subalit, nauwi ang kanilang transaksyon sa shooting incident at carnapping.
Batay kay Police Lieutenant Colonel Rexpher Gaoiran, hepe ng Cabuyao City Police, nasa Alabang na ang biktima at mga suspek nang magdeklara sila ng hold-up.
Duda naman ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) kung ito talaga ang motibo ng mga suspek.
“Kailangan laliman pa natin ang investigation. Ang tinitingnan kasi natin diyan, bakit kailangang pang barilin ‘yung tao kung talaga ‘yan ay ordinaryong bentahan ng sasakyan o carnapping.
May mga insidente kami before kasi na ‘yung mga pinatay o kaya’y pinagbabaril, mga dinukot, minsan pinagdududahan nila [‘yun ang] nanlaglag sa isang raid na nangyari o ‘di kaya sa isang hulihan ng POGO hub,” giit ni PAOCC Undersecretary Gilbert Cruz.
“We need to go deeper into the investigation. What we are looking at is, why does the person need to be shot if it was only an ordinary car sale. We have had incidents before where those who were killed, shot or abducted were suspected to be informants that led to the raid of a POGO hub,” dagdag niya.
Napag-alaman na sa isinagawang backtracking ay nakita ng mga awtoridad kung saan lumabas ang mga suspek at nakumpirma ang kanilang sasakyan. Makikita sa CCTV footage ang isang kotse na sinusundan ang SUV ng biktima bago siya barilin.
Kaugnay sa mga kaso na sangkot ang Chinese nationals, ay nagpahayag ang embahada ng China sa Pilipinas na mahalagang sangkap ang law enforcement cooperation sa China-Philippines relations.
“It plays an irreplaceable role in ensuring the safety of life and property of people of both countries and promoting their well-being. In the particular cooperation with the PH, we’d emphasize that the Chinese law prohibits any form of gambling.”
“We welcome the Philippines’ decision to totally ban POGOs and crack down on POGOs still in operation and their relevant criminal activities. Since last July, approximately 140 Chinese nationals associated with POGOs have been repatriated under our collaboration. In accordance with the consensus between the two sides, the Chinese Embassy in the Philippines will maintain close communication and cooperation with relevant Philippine departments and agencies to further strengthen law enforcement cooperation between the two countries, vigorously combat transnational crimes, and better ensure the safety and security of citizens from both nations,” ayon pa sa tagapagsalita ng embahada. (JESSE KABEL RUIZ)
57