MURDER SUSPECT NA TRIKE DRIVER NAKORNER

PINARANGALAN ni Manila Police District Director Police Brigadier General Andre “The game changer” Dizon ang buong District Special Operation Unit (DSOU) makaraang maaresto ang isang 50-anyos na top 5 most wanted person ng district level, dahil sa kasong murder, nang matunton sa Purok 12, Unit 5, Commonwealth Avenue, Quezon City.

Kinilala ang suspek na si Arnold Laon, may asawa, ng Parola Compound, Barangay 20, Tondo, Manila.

Ayon kay Police Major Rommel Purisima, hepe ng MPD-DSOU, bandang alas-4:30 ng madaling araw nitong Biyernes nang matunton ang suspek sa tinutuluyan nitong bahay sa Commonwealth Avenue, Quezon City.

Sa bisa ng ang search and warrant of arrest ni inisyu ni Presiding Judge Rebecca Austria Guillen Ubaña, ng Regional Trial Court Branch 40 ng Manila, ay inaresto ang suspek sa kasong murder na walang kaakibat na pyansa.

Ayon sa rekord ng korte, si Laon ay nakapatay umano sa kanilang lugar noong Pebrero 23, 2023 at pagkaraan ay nagtago na sa batas.

Makaraang matanggap ang mandamiyento de aresto noong Marso 14, iniutos ni Major Purisima ang pag-aresto sa suspek.

Agad namang nagkasa ang mga awtoridad, sa pangunguna ni Police Senior Master Sergeant Alfredo Fabian III, ng “Oplan Galugad” at Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek. (RENE CRISOSTOMO)

63

Related posts

Leave a Comment