MURDER SUSPECT PATAY SA ARMED CONFRONTATION

CAVITE – Patay ang isang lalaki na sangkot sa mahigit apat na kaso ng pagpatay, nang barilin ng nagrespondeng mga pulis nang manlaban umano sa mga awtoridad sa Bacoor City noong Huwebes ng umaga.

Kinilala ang napatay na si alyas “Jhunel” ng Brgy. Molino 6, Bacoor City, Cavite.

Una rito, nakatangggap ng reklamo ang Bacoor Component City Police hinggil sa panunutok ng baril ng suspek sa isang alyas “Jovy” sa Soldiers Hill, Brgy. Molino 6, Bacoor City, Cavite bandang alas-9:40 ng gabi.

Agad nagsagawa ng operasyon ang mga operatiba ng Special Weapons and Tactics (SWAT) at Station Special Operating Unit (SSOU) ng Bacoor CPS sa lugar.

Ngunit natunugan ng suspek ang pagdating ng mga pulis, na agad nitong pinaputukan dahilan upang gumanti ang mga operatiba na nagresulta sa pagkamatay nito.

Nang kalkalin ng pulisya ang record ng suspek, natuklasang sangkot ito sa apat na kaso ng pagpatay at isang attempted murder at alarm and scandal na pawang nakabinbin sa korte. (SIGFRED ADSUARA)

50

Related posts

Leave a Comment