Nadagdagan muli ng 2 COVID DEATH TOLL SA QC: 237

NAKAPAGTALA ng dalawang bagong kaso ng pagkamatay sa COVID-19 sa Quezon City.

Ayon sa report ng Department of Health (DOH) hanggang nitong Hulyo 3, ang lungsod ay nagkaroon ng dalawang bagong kaso ng pagkamatay sa COVID-19 na nagdala ng kabuuang bilang ng mga namatay sa 237.

Base pa sa report ng DOH hanggang nitong Hulyo 3, ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Quezon City ay umabot na sa 3,622.

Ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kasong may kumpletong addresses sa nasabing siyudad ay kasalukuyan nasa 3,545.

Ang kabuuang bilang ng validated cases ng QC Epidemiology and Surveillance Unit at District Health Offices ay nasa 3, 518.

May naitalang dagdag na 111 cases sa naiulat  na 3,407 noong Huwebes na nagresulta ng kabuuang bilang ng 3,518 validated cases.

Nasa 1,200 ang active COVID-19 cases sa siyudad.

Kaugnay nito, ang QC ay may naitalang 78 bagong recoveries na nagdala ng kabuuang bilang ng mga gumaling sa 2,081. (JOEL O. AMONGO)

86

Related posts

Leave a Comment