NAGKAKABIT NG SOLAR PANEL, NAKURYENTE

CAVITE – Patay ang isang 27-anyos na lalaki nang makuryente habang nagkakabit ng solar panel sa isang bagong tayong poste ng kuryente sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, noong Huwebes ng madaling araw.

Isinugod sa Manas Hospital ang biktimang si Archie Manlanat y Quilaw, binata, ng Sitio Villalota, Brgy. Amaya 1, Tanza, Cavite subalit idineklarang dead on arrival.

Ayon sa ulat, dakong ala-1:00 ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa Sitio Postema, Brgy. Sahud, Ulan Tanza, Cavite kung saan nagkakabit ang biktima ng electrical solar panel sa isang bagong poste ng kuryente sa nasabing kalsada.

Hinihinalang dumikit ang katawan nito sa kable ng kuryente sa poste dahilan ng kanyang pagkakakuryente.

Mabilis namang nagresponde ang mga kawani ng MDRRMO sa lugar at isinugod sa ospital ang biktima subalit hindi umabot nang buhay.

(SIGFRED ADSUARA)

396

Related posts

Leave a Comment