NANAY PATAY SA PAGTATABAS NG TALBOS

WALA nang buhay nang matagpuan sa bakanteng lote ang isang nanay na pinaniniwalaang nakuryente habang nagtatabas ng talbos ng halamang gabi sa Barangay Sastre sa bayan ng Gumaca sa lalawigan ng Quezon.

Kinilala ang biktimang si Emma Javier, 56-anyos at residente ng nasabing barangay.

Sa imbestigasyon ng pulisya, Miyerkules ng tanghali nang magpaalam sa mga kaanak ang biktima na magtatabas ng talbos ng gabi sa Barangay Sastre.

Nang hindi makauwi sa kanilang bahay, agad na hinanap si Javier na natagpuang wala nang buhay kalapit ang isang live wire kinabukasan pa ng hapon.

Sa imbestigasyon, nakumpirmang nakuryente ang biktima. (NILOU DEL CARMEN)

159

Related posts

Leave a Comment