INILABAS na ng pamahalaang lungsod ng Taguig nitong Martes, ika-14 ng Nobyembre, ang mga alituntunin, kinakailangan, at hakbang para sa pagrehistro at pagpalit ng business permits ng mga negosyo mula sa EMBO areas.
Paalala ng Taguig BPLO, tumatanggap sila ng mga registration at payments ng business taxes para sa taong 2023 ng Embo businesses. Sundin lang ng business owners ang mga sumusunod na hakbang:
1. Ihanda at ibigay ang mga sumusunod na requirements:* Application Form* Current Makati Business Permit* Latest Official Receipt* 2×2 Formal picture of the owner (Single proprietor) o logo (Corporation)* Location Sketch* 3R picture of the exterior of the establishment
2. Pumunta sa cashier para magbayad ng outstanding business taxes. 3. Ipakita ang OR sa BPLO at hintayin na i-release ng Taguig ang inyong business permit.
Ang Taguig BPLO ay nagbibigay rin ng replacements o pagpalit ng Makati Business Permits sa Taguig Business Permits para sa mga businesses na nakapagbayad ng kanilang 2023 business taxes.
Hinihikayat ng Taguig ang lahat ng EMBO business owners na i-secure ang kanilang Taguig Business permits bago matapos ang taon upang maiwasan ang pagproseso nito sa renewal period sa Enero 2024 kung saan nagiging mahaba ang pila para sa payment at renewal ng permits.
Pinawi rin ang pangamba ng mga negosyante dahil nananatili ang Taguig sa may pinakamababang tax rates sa Metro Manila, kaya top choice ito para sa investors.
248