NEW COVID VARIANT BINABANTAYAN

MAHIGPIT na naka-monitor ang pamahalaan sa B.1.1.529 variant ng COVID-19, bagong variant na mayroong malaking bilang ng mutations na natuklasan sa South Africa.

Tiniyak ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na naka-monitor ang Inter-Agency Task Force (IATF), Malacañang at Department of Health (DOH) sa bagay na ito.

Sinabi naman ni Bureau of Immigration Spokesperson Dana Krizia Sandoval na nakahanda ang BI na magpatupad ng travel restrictions sakali’t makita ng IATF na mayroong pangangailangan na i-adjust ang travel restrictions kung biglang may mga umusbong na bagong variants kagaya ng nabanggit mula sa South Africa.

“And immediately po ‘yan, mayroon po kaming system in place na kapag may directive po ang IATF na kailangan pong baguhin, immediately po kaya po nating i-implement and we have the sufficient manpower naman po para tugunan po itong mga pangangailangan na ito, ayon kay Sandoval sabay sabing “Doon naman po sa ating mga areas, sa Immigration areas, of course sa pagbubukas po ng ating shores dito po sa mga foreign travellers, there’s always a risk kung dadami po iyong mga bibiyahe. But we have implemented strict protocols and social distancing po doon sa ating areas para masigurado po natin na minimized po iyong risk habang sila po ay dumadaan doon sa Immigration area.” (CHRISTIAN DALE)

2

Related posts

Leave a Comment