‘NO SAIL ZONE’ SA PASIG RIVER

PAIIRALIN ng Philippine Coast Guard (PCG) ang ‘no sail’ sa bahagi ng Pasig River kaugnay sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa National Museum ngayong Hunyo 30.

Ayon kay LCdr. Michael John Encina, tagapagsalita ng PCG Station Malacañang, epektibo alas-12:01 ng umaga ng Hunyo 30 epektibo ang polisiya.

Paliwanag niya, hindi papayagan ang paglalayag ng anomang uri ng sasakyang-pantubig mula sa bahagi ng Ilog Pasig sa Hospicio de San Jose hanggang sa Pureza sa Sta. Mesa, Maynila.

Aniya, 10 sa kanilang floating assets ang magpapatrulya sa naturang bahagi ng Pasig River para siguraduhin na naipatutupad ang polisiya.

Nasa 175 Coast Guard personnel naman ang magbabantay sa Pasig River. (RENE CRISOSTOMO)

Related posts

Leave a Comment