OBRERO NABURYONG, DELIVERY RIDER INUTAS

HINIHINALANG naburyong ang isang 28-anyos na construction worker na bigla na lamang tinadtad ng bala ang nasalubong na 42-anyos na delivery rider sa Baseco Compound, Port Area, Manila noong Lunes ng umaga.

Agad nalagutan ng hininga sa insidente ang biktimang si Jeffrey Satol, residente ng nasabing ulgar.

Nadakip ng mga awtoridad sa inilatag na “Oplan Galugad” ang suspek na kinilalang si Macmod Saban alyas “Mac”, kapitbahay ng biktima.

Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Emmanuel Gomez, station commander, bandang alas-7:15 ng gabi nang mangyari ang insidente.

Agad namang iniutos ni P/Lt. Col. Gomez kina Police Captain Henry Mariano at Police Staff Sergeant Exzekiel Job Mauricio ang pagtugis sa suspek na nagresulta sa pagkakaaresto kay Mac. (RENE CRISOSTOMO)

151

Related posts

Leave a Comment