OFW DEPLOYMENT POLICIES DAPAT REGULAR REBISAHIN

HINIMOK ni Senador Grace Poe ang gobyerno na regular na rebisahin ang ipinatutupad na deployment policies para sa kaligtasan ng overseas Filipino workers.

Ginawa ng senador ang pahayag kasabay ng pasasalamat sa Department of Foreign Affairs at Department of Migrant Workers sa agarang pagpapauwi sa first batch ng mga OFW sa Sudan.
Umaasa naman si Poe na magiging mabilis din ang pagpapauwi sa natitira pang manggagawang Pinoy sa naturang bansa.

Sinabi ng senador na mas makabubuting mailikas nang maaga upang mailayo ang mga OFW sa panganib at mapanatag na ang kanilang mga pamilya.

“We understand the need of our people for better paying jobs, but it is also incumbent upon the government to constantly review its deployment policies to ensure the safety of our countrymen working abroad,” diin ni Poe.

Inaasahan din ni Poe na may sapat na support system ang gobyerno para mga uuwing OFW upang mabigyan sila ng alternatibong pagkakakitaan o trabaho o sumailalim sa skills retooling I training.

“Mahalaga ang hanapbuhay, ngunit walang kapalit ang buhay at kaligtasan,” paalala pa ni Poe. (DANG SAMSON-GARCIA)

55

Related posts

Leave a Comment