OVER IMPORTATION NG MANOK IIMBESTIGAHAN

IIMBESTIGAHAN ng Senate committee on agriculture ang sinasabing over importation ng manok dahilan ng oversupply nito sa merkado.

Muli ring nanawagan si Senador Cynthia Villar, chairperson ng komite na iwasan ang sobra-sobrang importasyon ng manok.

Sinabi ni Villar na dapat angkatin lamang ng DA ang shortage na idinedeklara ng Philippine Statistics Authority.

Una nang nagreklamo ang ilang agriculture stakeholders sa oversupply ng manok sa merkado sa mga nakalipas na buwan dahilan ng pagbagsak ng farmgate prices nito.

Batay pa sa tala ng United Broiler Raisers Association, mayroon pang chicken surplus na tatagal ng 114 araw sa pagtatapos ng taon kahit ang standard policy ay 45-day excess lamang.

Sa pagtaya naman ng Samahang Industriya ng Agrikultura, tatagal ang suplay hanggang unang quarter ng 2024.

(DANG SAMSON-GARCIA)

289

Related posts

Leave a Comment