P1,120 CASH BUKING SA PANTY NG CASHIER

CAVITE – Hindi nakapalag ang isang dalagang cashier ng isang supermarket nang mabisto sa loob ng panty nito ang P1,120 cash, sa Kawit, Cavite noong Huwebes ng madaling araw.

Nahaharap sa kasong attempted qualified theft ang suspek na si alyas “Samantha,” cashier sa isang supermarket, at residente sa Brgy. Sta. Rosa, Noveleta, Cavite, dahil sa reklamo ng kanilang team leader na si Katrina Maine De Leon, 29-anyos.

Ayon sa ulat, naka-duty ang suspek bilang cashier sa nasabing supermarket sa Brgy. Pulvorista, Kawit, Cavite nang kinuha umano nito ang ilang bills mula sa cash drawer at pasimpleng isinuksok sa kanyang panty.

Pero tila nakalimutan ng suspek na may nakatutok na CCTV kaya paglabas nito dakong alas-4:30 ng umaga ay hinarang siya at kinapkapan ng gwardiya naging dahilan upang matagpuan sa kanyang panty ang P1,120 cash.

(SIGFRED ADSUARA)

293

Related posts

Leave a Comment