P149.6-M shabu nasamsam FRENCH, CANADIAN AT PINOY ARESTADO SA DRUG LAB SA POSH RESIDENTIAL AREA

SINALAKAY ng Philippine Drug Enforcement Agency led  joint anti-illegal drug operation ang isang drug laboratory, katuwang ang military at pulisya, na nagresulta sa pagkakadakip sa isang Canadian, isang French national at isang kasabwat na Pilipino nitong Biyernes sa isang posh residential area sa Ayala Alabang Village sa Muntinlupa City.

Tinatayang 22 kilograms ng methamphetamine hydrochloride o shabu na may street value na P149,600,000, ang nakumpiska ng multi-agency law enforcers kahapon ng madaling araw sa nasabing upscale neighborhood sa  Ayala-Alabang Village.

“This group used a modified setup for manufacturing shabu. The shabu is mixed in liquid form, then washed with acetone. It’s practically an odorless process, which is probably why they were confident in doing it here in a residential area,” pahayag ni ASEC. Gregorio R. Pimentel, PDEA Officer-in-Charge na nanguna sa operasyon.

Armado ng dalawang search warrant, sinalakay ng PDEA Intelligence Service, PDEA RO-NCR Southern District, PDEA Regional Special Enforcement Teams 1 & 2, PDEA SIU, PDEA Special Enforcement Service, Bureau of Customs (BOC) CAIDTF, BOC-CIIS MCP, Armed Forces of the Philippines, Philippine Navy at National Intelligence Coordinating Agency, katulong ang Philippine National Police, SPD DID, SPD DDEU, at Muntinlupa CPS, ang nasabing shabu laboratory sa No. 304 Mabolo Street sa Ayala-Alabang Village, at sa No. 523 Madrigal Avenue Ayala, Alabang.
Nakatago sa loob ng bahay sa No. 304 Mabolo Street ang iba’t ibang laboratory equipment, several quantities ng  CPECs o chemicals na ginagamit sa pagmamanupaktura ng ilegal na droga gaya ng  shabu, at ang 20 kilograms ng methamphetamine hydrochloride or shabu.

Dalawang tao ang dinakip sa target address na kinilalang sina Aurelien Cythere, 41-anyos na Frenchman, at Mark Anthony Sarayot y Ravelo, 42-anyos na Filipino businessman, naninirahan sa Valle Verde 5 sa Barangay Ugong, Pasig City.

Sa pangalawang target na bahay sa 523 Madrigal Avenue Ayala, Alabang ay nakakuha ang mga awtoridad ng 2 kilo ng hinihinalang  shabu na P13,600,000 ang halaga, at sari-saring laboratory equipment, identification cards, at 5 mobile phones.

Dinakip din ang isang Ariana Golesorkhi, alias “Kano”, 33-anyos na lalaking Canadian na ipinanganak sa Iran, at may ari ng isang beauty parlor.

“These suspects are linked to Mexican, Australian and Canadian drug trafficking groups. We are currently investigating these links and several other drug personalities,” dagdag pa ni ASEC Pimentel.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sections 8, 11, and 12 ng Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (JESSE KABEL RUIZ)

16

Related posts

Leave a Comment