P20 KADA KILO NG BIGAS POSIBLE NA – PRES. MARCOS JR.

SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na malapit nang makamit ng Pilipinas ang hangarin nito na mapababa ang presyo ng bigas sa P20 kada kilo.

Inihayag ito ni Pangulong Marcos sa paglulunsad ng Kadiwa ng Pasko project na naglalayong maibenta ang mga produkto ng mga magsasaka sa mas murang halaga habang binibigyan naman ng access ang publiko ng “affordable at high-quality products.”

Gayunman, pag-amin ng Pangulo, marami pa silang dapat gawin para mapagtagumpayan ang hangarin nitong mapababa ang presyo ng bigas.

Nangako si Pangulong Marcos na sisikaping ibaba sa P20 ang kada kilo ng bigas habang binibigyan ng proteksyon ang mga magsasaka. (CHRISTIAN DALE)

16

Related posts

Leave a Comment